Umarangkada na nga ang ika-30 na South East Asian Games dito sa Pilipinas, nagbukas ang palaro noong Sabado, sa Philippine Arena sa Bulacan kung saan itinampok ang kultura at galing nating mga Pilipino, halos limang libong delegado mula sa rehiyon. Pilipinas ang may pinaka maraming kalahok na deligado na aabot sa mahigit isang libong atleta, ang pagbubukas ay pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng mga kinatawan ng PHISGOC.
Sa unang araw ng opisyal na pagbubukas ng SEA Games ay kumamada agad ng 23 na gintong medalya ang Pilipinas, ang unang gintong medalya ay nagmula kay John Chicano sa Men's Triathlon na sinundan naman ni Kim Mangrobang mula naman sa Women's division ng Triathlon.
Wagi din ng Gold Medal ang mga atleta natin mula sa Wushu na si Agatha Wong para sa Taijiquan event, sa Chess wagi din si Jan Emmanuel Garcia para sa Individual Online Chess. Si Estie Gay Liwanen naman ay nagdagdag din ng isa pang ginto mula naman sa larong Kurash, at ang World Champion naman na si Carlos Yulo ay nagpakitang gilas agad sa Gymnastics matapos nyang makuha ang ginto sa Men's All Around category.
Dalawang Gintong medalya naman ang naitala ng Men's at Women's Hoop Team sa larong Sepak Takraw. Samantala, limang Gintong medalya naman ang naiambag ng Arnis Team matapos magtagumpay sina Dexter Blambao, Villardo Cunamay, Nino Mark Talledo, Mike Banare, at Jezebel Morcillo sa kani kaniyang categorya.
Ang pinaka maraming gintong nakamit ang Pilipinas ay sa Dance Sport, Sampung Gintong medalya ang nakuha ng Dance Sport team, tatlo mula kina Sean Mischa Aranar at Ana Leonila Nualla para sa Vienesse Waltz, Tango at Standard Over All, tatlo din ang nakuha nina Wilbert Aunzo at Pearl Caneda mula sa Rhumba, Samba, at Cha-cha.
Tig dalawang medlayang ginto naman ang naitala nina Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen mula sa Waltz at Foxtrot, habang sina Michael Angelo Marquez at Stephanie Sabalo ay nakakuha ng ginto mula sa Pasa Doble at Latin Over All.
Ang Pilipinas ay nakapagtala din ng labindalawang pilak na medalya at siyam na tansong medalya sa kabuang 44 medals para sa unang araw ng palaro.
Mag-post ng isang Komento