LATEST NEWS

Sabado, Enero 3, 2015

MRT/LRT/LRT2 Fare Increase Guide

Simula po bukas ika 4 ng Enero eto na po ang bagong singil sa Pamasahe ng MRT 3, LRT 1, at LRT 2. Narito ang mga Charts kung saan nakatala kung magkano ang bagong halaga ng pamasahe sa bawat linya ng tren. 


MRT 3: 

Simula bukas ang minimum na halaga ng pamasahe sa MRT na bumabagtas sa kahabaan ng EDSA mula North Avenue hangang Taft Avenue, ang dating Sampung Pisong minimum na pamasahe ito ay magiging Labing Tatlong Piso na at ang dating Kinse Pesos na pamasahe mula North Avenue hangang Taft Avenue ay magiging Php28 na. 



LRT 2

Sa LRT 2 naman na bumabagtas mula Santolan sa Marikina hangang sa Recto sa Maynila, ang dating Dose Pesos na minimum na pamasahe ay magiging Kinse Pesos na at madadagdagan ito ng Limang Piso sa kada paglampas ng tatlong istasyon, kaya ang dating Kinse Pesos na pamasahe mula sa Santolan hangang Recto ito ay magiging Php 25 na. 


Samantalang kung ikaw ay gagamit ng Stored Value Card mananataling Php 12 ang minimum na pamasahe at ang pagbiyahe mula Santolan hangang Recto ay mas mura ng Piso.


LRT 1

Sa LRT line 1 naman na tumatahak sa rutang Baclaran hangang Roosevelt ang dating Php 11 na minimum fare ay magiging Php 15 na, kaya ang biyahe ang dating Php 20 na pamasahe mula sa Baclaran hangang Roosevelt ito ay magiging Php 30 na. samantala mas makakatipid sa pamasahe kung gagamit ng Stored Value Card. 


PS: 

Ayon sa isang panayam kay Sec. Abaya ng DOTC, ang lahat ng kikitain ng taas pamasahe na ito ay mapupunta sa Private Concessionaire o Operator ng mga Tren. Mahal na mahal tayo ng Gobyerno natin kaya hindi lang ang Maintenance ng mga tren ang sasagutin natin pati na din ang kikitain ng mga pribadong kumpanya na hindi naman naitaas ang antas ng serbisyo ng mga tren. 

Sana lang sa pagtataas ng pamasahe eh maibsan ang araw araw na mahabang pila at ga sardinas na siksikan sa loob ng tren, sana din sa pagtataas na ito ay maibalik ang mga Ticket Vendo machine na sa tingin ko ay mas makakatulong para sa mas mabilis na pagbili ng mga tickets dahil sa totoo lang minsan mahaba ang pila dahil mabagal ang ilang nagbebenta ng ticket. Isang halimbawa ay sa Katipunan Station ng LRT 2 ako po ay sumasakay dun ng Ala Una hangang Alas Tres ng Hapon sa ganung oras ay kakaunti lamang ang tao, pero nitong mga nakalipas na buwan palaging mahaba ang pila sa bilihan ng ticket papaano dadalawa lang ang bukas na booth at yung ibang booth ay sarado.






Share this:

Mag-post ng isang Komento

 
Copyright © 2014 Big Beez Buzz. Designed by OddThemes | Distributed By Gooyaabi Templates