LATEST NEWS

Lunes, Setyembre 5, 2016

Alyas Robin Hood



Naging usap-usapan noong Martes, August 30, ang upcoming primetime series ni Dingdong Dantes na Alyas Robin Hood. Nagsimula ito nang maglabas ng fan-made poster para sa naturang show ang isang entertainment blog site na hango sa poster ng American series na Arrow.

Maraming netizens ang nag-akala na ito na ang official poster ng Alyas Robin Hood, at dahil malaki ang pagkakagaya nito sa Arrow poster, agad na kumalat ang balita na tila kinopya ito sa sikat na action series.

Lalo pang lumakas ang ingay nang i-share mismo ni Stephen Amell, ang Canadian actor na gumaganap bilang Oliver Queen sa Arrow, sa kanyang Facebook page ang isa sa official teasers ng Alyas Robin Hood. Sinamahan niya pa ito ng isang shocked emoji.

Para linawin ang mga akusasyon, nag-post sa kanyang Facebook account ang concept developer at creative consultant ng show na si Suzette Doctolero.

"Uulitin ko para malinaw po: ang lumabas na artikulo mula sa Lionheart tv na may kasamang poster daw ng [Alyas] Robin Hood ay misleading kasi ang ginamit na poster doon na rip off mula sa Arrow ay hindi po materyal na galing sa [GMA 7]. Hindi po ata ito [ni-research nang] mabuti ng nasabing blog page at [in-assume] agad na ito ay mula sa [GMA 7,]" paglilinaw ng Encantadia headwriter.

Aniya, malaki ang pagkakaiba ng kuwento ng dalawang TV shows. "Ang [Alyas] Robin Hood ay homage/inspired sa Robin Hood, at ito ay Filipino modern retelling nito lalo't ang nasabing Briish Folktale na tumatalakay ng social injustice ay napapanahon pa rin. Hindi ito gaya sa Arrow (na palagay ko ay mula sa Green Archer/Robin Hood at Batman hehe) o sa Green Archer na pawang mga inspired din sa dakilang obra na Robin Hood pero binigyan din nila ng ibang twist. Salamat po!

Dagdag pa ni Redgie Acuña-Magno, VP for Drama ng GMA Entertainment, "Ang Alyas Robin Hood ay malayo sa plot ng  Arrow. Ito ay kuwento ng  isang lower-middle class lawyer na mapagbibintangan ng isang krimeng hindi niya ginawa. Sa kanyang paghahanap sa katotohanan, may mga matutulungan din siyang nangangailangan."

Maraming bersyon na rin daw ng Robin Hood sa iba't ibang panig ng mundo.

"Robin Hood has had different reincarnations or versions in different countries. In Russia, there's the short novel on Alexander Pushkin whose Robin Hood character went by the name Black Eagle. In Brazil, there's the real life Limpaio, a true-life Robin Hood whose life is now a biography. In Japan, a Kabuki adaptation of Robin Hood was successfully mounted with the character of Nezumikozo as the name of the legendary hero. This is to name only a few. What we are now seeing here is a modern version of Robin Hood, an adaptation of a universal figure made inspirational and relevant to the Filipino audience."

Pagkaraan ng ilang oras ay naglabas din ng official statement ang entertainment blog site na LionhearTV. Nilinaw nitong isang fan art ang poster na kanilang ginamit at hindi opisyal na gawa ng Kapuso network.


                                                


Mag-post ng isang Komento

 
Copyright © 2014 Big Beez Buzz. Designed by OddThemes | Distributed By Gooyaabi Templates