LATEST NEWS

Miyerkules, Hulyo 11, 2012

Maraming Salamat Dolphy ( July 25 1928- July 10 2012)

Pinatawa nya ang sambayanang Pilipino sa loob ng halos anim na dekado, at ngayon Ang Hari ng Komedya ay namaalam na ngunit alam ko at alam niyo na mananatili siya sa puso ng bawat isa sa atin, sabi nga niya kahit siya ay mawala pindutin lang ang play button eh makakasama pa din natin siya. 

Sa dami ng mga karakter na binigyang buhay niya sa pinilakang tabing at sa ating mga telebisyon na nagbigay ng ligaya at halakhak sa mga manunuod tunay nga na si Mang Dolphy ang nagiisang hari ng komedya, binigyan din niya ang mga di malilimutang gay roles tulad nina Pacifica Falayfay, Fefita Fofongay, at siyempre si Walterina Markova kung saan nagwagi sila sa brussels ng Prix de la Meilleure Interpretation. Madami din siyang karakter na sumalamin sa totoong nangyayari sa buhay ng mga Pilipino tulad na lang ni John Puruntong at ni Mang Kevin Cosme na kung saan kahit mahirap man ang buhay eh dapat laging maging masaya at hindi dapat malugmok at patuloy na magsumikap. 

Sa daang daang Pelikula at sa mga sitcoms ni Mang Dolphy  na halos tumagal ng dekada eh marahil may kanya kanya tayong paborito, iba iba ang dahilan pero ang punto eh napatawa nya tayo. 


Maraming maraming salamat sa walang sawa nyo pong pagbibigay ng Saya, Aliw, Katatawanan, at Ligaya, Mananatili ka sa Puso ng bawat Pilipino, May God Bless You Po. 


Rodolfo Vera Quizon
July 25 1928-July 10 2012























Mag-post ng isang Komento

 
Copyright © 2014 Big Beez Buzz. Designed by OddThemes | Distributed By Gooyaabi Templates